|

"but i'll go not gently into the night,
rage against the dying of the light,
sing a song about this terrible sight,
rage until the lightning strikes,
go not gently, go not gently, go not gently,
and rage with me."
The Jerks SKEDS
Every Thursday Night
MAYRICS
Along Espana (infront of University of Sto. Tomas)
Every Friday Night
THE HOBBITS HOUSE
1801 Mabini Street, Malate, Manila
Every Saturday Night
'70s BISTRO
46 Anonas Street, Quezon City
|
For bookings ang inquiries, write to
Monet Pura
MANAGER
3 Iceland St., East Fairview, Quezon City Pager 636-0707 No. 107879
|
another site by:

and © 1999-2000 Skunkworkz
a division of Zinco & Freelancers Groupe
|
|

Ang kasaysayan ng Rock 'n' Roll sa Pilipinas ay isang walang katapusang ikot ng pagtanggap at kabiguang magbigay. Sa pabago-bagong nitong anyo mula sa orihinal, ang paulit-ulit na nabubuo ay mga teritoryo lamang na kaagad ding tinatakasan kapag sumasalakay ang mga bagong puwersa ng musikang ito.
Nakatanod sa kasaysayang ito ang "The Jerks" Tila matibay na pader, nakapalibot sa kanilang teritoryo ang sapin-saping karanasanag pinagdaanan mg musika mula ng lumunsad itong may maskuladong anyo maraming taon na ang nakararaan. Sa unang pakikinig pa lamang, mararamdaman na kaagad sa musika ng "The Jerks" ang nagpupuyos na litid ng pakikidigmang nilahukan ng maraming musikero ng nagdaan sa pagtatangka nilang tanggapin at muling hubugin ang subersibong pilosopiyang nasa likod ng musika.
Marami nang nagtangka at marami ring nabigo. Hindi madaling imbentuhing muli at iangkop sa partikular na kapaligiran ang isang musikang nagpalit ng aktitud sa iba't-ibang panahon. Dinaanan ng "The Jerks" ang lahat ng ito. Mula sa panimulang pagtutulos sa sariling bandila sa mga club sa Maynila at Olongapo na nagsisimula nang magtakda ng mga hangganan sa kanilang masisikip na teritoryo, hanggang sa mga bar at hotel sa Okinawa, Malaysia at iba pang malalayong lugar. Musika, kultura at komersyo. Pinaigting ng lahat ng ito ang bawat notang bigkasin ng gitara ni Chickoy Pura at naging manifestong nakaukit sa bato: "Romantic Kill," "Rage" at "Haligi ng Maynila."
Nagsisimula pa lamang ang "The Jerks" sa reimbensyon ng rock 'n' roll sa bansa. At ito'y nagmumula hindi sa pagpapakita ng postura (masyado nang malayo ang narating ng "The Jerks" para pag-aksayahan pa ito ng panahon) kundi sa pagpapahayag ng espiritung sa simula pa'y kakambal na ng musikang ito. "Sayaw sa Bubog," "Reklamo," "Tambol." Nagtagpo na rin sa wakas ang realidad at ang rebeldeng musika.
Malaki ang binayaran ng "The Jerks" para gampanan ang tungkulin nito. At kung pakikinggang mabuti ang "Kundiman," madaling mauunawaang marami pang maitataya ang "The Jerks" para muling maibalik ang lahat na tinanggap nito.
Foreword of The Jerks self-titled album distributed in tapes and CD's by Star Recording, Inc.
The album was released in 1997 and won in the NU107 Rock Awards as Best Album of the Year.
|
|